IBAGSAK ANG TRAPONG PAGHAHARI!
ni Gregorio V. Bituin Jr.
(Nalathala sa publikasyong Taliba ng Maralita ng KPML, Tomo XIV, Blg. 1, pahina 5)
Matagal nang pinaiikot-ikot ng mga tradisyunal na pulitiko, o trapo, at kanilang palit-palit na pamilya, ang sambayanang Pilipino. Sa katunayan, nariyan ang mga pamilyang Ortega (La Union), Dy (Isabela), Marcos (Ilocos Norte), Singson (Ilocos Sur), Joson (Nueva Ecija), Roman (Bataan), Gordon at Magsaysay (Zambales), Cojuangco at Aquino (Tarlac), Fuentebella (Camarines Norte), Dimaporo (Lanao del Sur), OsmeƱa (Cebu), Espinosa (Masbate), Laurel at Recto (Batangas), Plaza (Agusan), Durano (Danao City) Antonino (GenSan), Lobregat (Zamboanga City), Cerilles (Zamboanga del Sur), Estrada (San Juan), Arroyo (Pampanga, Negros Occidental), Angara (Aurora), Defensor (Iloilo, Quezon City), at iba pa. Kinokontrol ng mga trapo ang pulitika’t ekonomya ng kani-kanilang lunsod, bayan at lalawigan.
Ang trapo ang mga tagapagsulong ng bulok na sistema at representante ng kapitalismo laban sa maralita, manggagawa't naghihirap na mamamayan.
Ang trapo ang mga kinatawan ng pribadong nagmamay-ari ng mga kasangkapan sa produksyon, tulad ng mga pabrika, makina't malalawak na lupain. Sila'y mga panginoong maylupa't kapitalista.
Karamihan sa kanila’y nakaupo sa Kongreso, Senado’t Malakanyang, na nagnanais palitan ang Konstitusyon upang ibuyangyang ang ekonomya ng Pilipinas sa mga dayuhan. Silang pabor na gawing 100% ang pag-aari ng mga dayuhan ang ating mga lupain, media, eskwelahan, ospital, tubig, kuryente, at iba pang serbisyo sa mamamayan. Silang mga walang malasakit sa manggagawa’t maralita. Silang pansariling interes at kapangyarihan ang laging nasa isip.
Para sa mga trapo, negosyo ang pagpasok sa gobyerno. Bakit naman sila magtatapon ng milyung-milyong piso sa kampanyahan para lang sa kakarampot na sweldo kada buwan ng pangulo at iba pang posisyon sa gobyerno, kung hindi nila ito babawiin sa kaban ng bayan?
Silang di makatulog at halos bangungutin pag nalulugi ang kanilang negosyo. Silang mas masasarap pa ang kinakain ng kanilang mga alagang aso kaysa sa kanilang mga manggagawa.
Ano bang napala ng mga maralita sa mga trapong ito? Kung may napala ang mga maralita, ito'y limos lamang, na hindi naman naging solusyon upang makaahon ang maralita sa karukhaan. Dukha pa rin ang mga maralita. Ang tanging nakamit natin mula sa kanila'y pwang pang-aapi't pagsasamantala. Dahil ang tingin nila sa sarili nila'y hari't magagaling na tao, ngunit magaling lang pala silang mangurakot at magsamantala sa maliliit. Puro ingles pa ang ginagamit para makaisa sa maralita! Pawang ingles para akalaing may pinag-aralan at matitino, ngunit bentador pala ng bayan! Para silang asong ngumingiyaw!
Lumalapit lang ang mga trapo sa mga maralita pag malapit na ang eleksyon. Sa buong panahon naman ng panunungkulan ay di makapunta sa lugar ng mga dukha. Nandidiri sa iskwater. Sila'y magagaling lang magsalita sa patalastas na sila'y makamahirap, ngunit hindi makita sa totohanang labanan.
Hindi maipagtanggol ng mga trapo ang manggagawa laban sa kontraktwalisasyon at tanggalan sa trabaho. Hindi maipagtanggol ang maralita laban sa demolisyon. Ginagawa pang negosyo ng mga trapong ito ang mga pabahay na lalong nagpapahirap sa mga maralita. Tagapagtanggol lang ang trapo ng sarili nilang interes. Kaya upang mawakasan na ang kahirapan nating dinaranas, dapat matapos na ang paghahari ng mga trapong ito.
Kailangan natin dito'y isang rebolusyon! Isang tunay na pagbabago ng matagal nang inuuod na sistema! Isang pag-aalsa ng mamamayan, mga manggagawa't maralitang pagod na at sawang-sawa na sa trapong paghahari. Mga trapong walang habas ang pandarambong sa kabang yamang ng bansa, at paghahangad na manatili sa kapangyarihan.
Hindi dapat mga trapo ang ipamana natin sa mga susunod na henerasyon. Ibagsak ang trapong paghahari!

No comments:
Post a Comment